Taon-taon, sa loob ng lumipas na labindalawang taon, labis na nakatataba ng puso na mapakinggan ang iba-ibang putahe ng pananaliksik sa wika at panitikan kaugnay ng wikang pambansanag Filipino.
Sa taong ito, isyu naman ng glokalisasyon ang tatalakayin sa hapag ng Filipino patungkol sa wika, panitikan, at pananaliksik. Glokalisasyon ang tawag sa kaparaanang pag-uusapan sa lokal na forum ang global na mga penomenon, pagtuturo-pagkatuto, teknolohiya, kultura o anopamang karunungan at bisebersa. Ang mga papel na mapipiling basahin sa kumperensiya ay may posibilidad na malathala sa jornal.