Panawagan Para Sa Pagbasa ng Papel Pananaliksik
Glokalisasyon ang kumbinasyon ng mga salitang globalisasyon at lokalisasyon na tuon sa pambansang kumperensyang ito sa wika, kultura at panitikang Pilipino. Layunin nito na matalakay ang konteksto ng wika, panitikan at kulturang Pilipino mula sa usaping global tungo sa lokal at bisebersa. Hinihikayat ang mga iskolar sa wika at kulturang Pilipino na magsumite ng papel pananaliksik na maaaring nakasulat sa wikang Filipino o English sa mga paksang nasa ibaba, ngunit hindi limitado rito hangga’t tumutugon sa tema ng kumperensya:
Wikang Filipino Bilang Global na Wika
Wika at Lipunang Pilipino
Wika at Edukasyon
Migrasyon, Diaspora at Wikang Filipino
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
Rehiyonal na mga Wika
Analisis ng Diskurso
Araling Pagsasalin
Panitikang Bayan at Rehiyonal
Panitikan at Kulturang Popular
Dispora at Panitikang Pilipino
Panitikan, Relihiyon at Lipunan
Panitikan ng Pilipinas at Ibang Bansa
Panitikan at Ibang Sining
Kritisismong Pampelikula
Kulturang Pilipino sa Global na Konteksto
Gabay sa Pagsumite ng Abstrak:
Abstrak na may 300-350 na mga salita.
Ilagay ang sumusunod:
Pamagat
Awtor/mga awtor
Apilasyon/affiliation
Email address
3. Isumite sa salindunong@gmail.com na:
word document na lakip sa email
buong pangalan ng awtor bilang email subject
Mahahalagang Petsa:
Pebrero 20, 2019 - Huling araw ng pagpasa ng abstrak
Pebrero 28, 2019 - Notipikasyon sa mga natanggap na abstrak
Marso 10, 2019 - Pagpasa ng buong papel pananaliksik
Para sa karagdagang impormasyon:
Mag-email sa salindunong@gmail.com o makipag-unayan kay Prof. Chem R. Pantorilla sa 09171390994.