Mga Ispiker

Abner Mercado

Isang Philippine Journalist, reporter, direktor at producer sa ABS-CBN News and Current Affairs mula pa noong 1999. Isang manunulat sa MMK 20: Maalaala Mo Kaya Dalawang Dekada (2011), Bea's Wildest Dreams at 18: Birthday TV Special (2005) at Ako Ang Simula: The ABS-CBN News and Current Affairs Yearend Special (2006), at mamamahayag sa Bandila. Nakapagtamo ng Bronze World Medal para sa kategoryang Social Issues/Current Events ang kanyang dokumentaryong Laya (Krusada, ABS-CBN) sa 54th New York Festivals International TV and Films Awards (2012).


Prof. Jayson D. Petras

Kasalukuyang Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Affiliate Faculty ng Faculty of Education, UP Open University. NAgtapos ng BA at MA Philippine Studies (Panitikan at Sikolohiya) sa Unibersidad ng Pilipinas nong 2004 at 2010. Miyembro siya ng mga propesyonal na organisasyon: Pambansang Samahan sa Wika, Filipinas Institutue of Translation, Pinadokan Ink., at Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino. Nailathala ang kaniyang mga pag-aaral sa Daluyan at Lagda Journal ng UP at Sibol Journal ng University of Michigan.


Dr. Michael Francis C. Andrada

Nagtuturo ng Panitikan at Wika, Malikhaing Pagsulat, Kulturang Popular, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isang officer sa UP Academic Employees Union at myembro ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy. Siya ang cultural editor ng Philippine Collegian at isang writing fellow sa U.P., Ateneo de Manila University, De La Salle University, at MSU- Iligan Institute of Technology sa kanyang mga maikling kuwento, tula at dula.


Dr. Edison Fermin

Nagsimulang magturo sa Miriam College bilang English Teacher sa taong 2000. Nakapagtapos ng Secondary Education major in English (Magna Cum Laude), Masters in Language Education at Doctor in Language Planning and Policy sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakatanggap ng UP Chancellor’s Award as Most Outstanding Graduate Student in the Social Sciences and Law Cluster (2000) at Miriam College President’s Award for Research (2005 at 2010). Sa taong 2014, hinirang siya bilang Professional Achievement Award of the UP College of Education Alumni Association. Nakilahok sa International Visitors Program of the US Department of State (2003) at Joint Education Development Program of the Republic of Indonesia and Republic of the Philippines (2012). Myembro ng Board of Directors of the Philippine Association for Language Teaching, Inc. (PALT). Kabilang sa Department of Education’s Technical Working Group on the K-12 Curriculum bilang miyembro sa Learning Area Team para sa Languages and Multiliteracies. Miyembro rin sa K-12 Sub-Committee of the National Basic Education Commission of the Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP at sa Commission on Higher Education’s Technical Committee on Elementary and Secondary Education.


Prof. Erik Louwe Sala

Assistant Professor ng School of Computer Studies ng Department of Information Technology ng MSU-IIT. Nagtapos ng BS Information Technology sa MSU-IIT. Ang kanyang mga riserts ay pumapatungkol sa; Multimedia Authoring and Applications, Flash Animation and Development, Human-Computer Interactions at Computer Aided Instruction. Kasalukuyang SCS Graduate Program Coordinator.


Dr. German V. Gervacio

Propesor sa Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT; Resident Panelist, Iligan National Writers Workshop; Execon Member for Northern and Central Mindanao, National Committee on Literary Arts. Apat na beses na nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa Tula, Maikling Kathang Pambata, Maikling Kuwento at Tula para sa mga Bata.


Dr. Mark Anthony Torres

OIC ng Institute for Peace and Development in Mindanao (IPDM) at Associate Professor sa MSU-IIT ng Department of Biological Sciences, College of Science and Mathematics (DBS-CSM) pinakabatang recipient sa 2016 Metrobank Foundation Search for Outstanding Teachers Awardi. Nakapagtapos ng Doctorate Degree in Biology ( Evolutionary Biology and Genetics). Inoorganisa niya ang taonang IPDM Research Forum on Mindanao Facets and Issues.